Tuyong Dahon Ng Talisay Naibebenta Sa Online Ng Tig 49Php!

Please log in or register to like posts.
Video

Sino kaya ang bumibili ng mga dahong ito?

Iba talaga ang convenience na nagagawa ng online shopping. Hindi mo na kailangan pang lumayo at mamasahe upang makabili lang ng kakailanganin mo. Gamit lang ang iyong computer o cellphone ay sa isang pindot lang ay mabibili mo na ang nais mo at idedeliver pa ito door-to-door.

Isang babaeng nakilalang si Kerwin Anne Reyes ang na-feature sa iJuander ng GMA Public Affairs sa Youtube Channel dahil sa pagbebenta ng mga sunbaked talisay leaves catappa o mas kilala bilang pinatuyong dahon ng talisay.

Kwento ni Reyes na nakita na lang niya isang araw na mayroong taong nagtanong sa kanya kung maaari ba itong mamulot ng mga nalaglag na dahon ng kanilang talisay tree sa harapan ng kanilang bahay.

Sa pagtataka niya ay tinanong ni Reyes kung para saan nila ito gagamitin, at doon na napag-alaman niya na gagamitin daw ang mga tuyong dahon para sa aquarium.

Doon nagsimulang mag-research si Reyes kung para saan nga ba ginagamit ang mga tuyong dahon na ito na dati naman ay hindi nila ito pinapansin. At nalaman niya na mayroon nga talagang mga nagbebenta sa online sites sa mga pinatuyong dahon ng talisay.

Kaya naman bilang isang online seller ay sinubukan niya ring magbenta ng mga dahon na ito at ang nakaka-bilib pa ay mayroon ngang mga taong bumibili ng mga ito sa kanya.

Ginagamit daw ng mga fish breeders ang tuyong dahon ng talisay sa pagpapalaki ng mga betta fish o mga Siamese fighting fish na nagkakahalagang Php80- Php3,000 kada isda. Nakakatulong daw kasi ito sa fertility at sa paggam0t ng mga sugat ng mga isdang ito.

Ang ginagawa ni Reyes kapag mayroong umoorder sa kanya ay pupulot lang siya ng dahon at ibinibilad niya ito upang mas lalong matuyo. Pagkatapos ay ipapa-ship na niya ito sa buyer. Ang bawat 10 piraso ng dahon ay nagkakahalagang Php49!

Isang malaking biyaya para sa kanya ang punong iyon dahil nakapag-negosyo siya ng walang puhunan. Ayon sa kanya, ipagpapatuloy lang niya ang pagbebenta niya ng mga tuyong dahon ng talisay hangga’t naroroon ang puno sa kanilang bakuran.

Reactions

0
0
0
0
0
0
Already reacted for this post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *